Monday, April 06, 2009

Notes from Seoul

5:45am phil time
6:45am korean time
ilchon airport.

-wow libreng wifi, bakit walang ganito sa naia.
-ang hirap magtype sa psp.
-ang ganda ng mga security inspectors dito. nagtataka nga ako dun sa nag search sakin, me tumutunog talaga sa waist area ko pero after akong kapkapan(wow) pinalampas pa din ako. i was willing to submit to a strip search pa naman.
-mini mall ang airport dito. ang ganda, ang smooth ng design niya.
-naturally, mahal ang mga bilihin. ugh. kumakalam na ang sikmura ko.

Notes from Seoul

5:45am phil time
6:45am korean time
ilchon airport.

-wow libreng wifi, bakit walang ganito sa naia.
-ang hirap magtype sa psp.
-ang ganda ng mga security inspectors dito. nagtataka nga ako dun sa nag search sakin, me tumutunog talaga sa waist area ko pero after akong kapkapan(wow) pinalampas pa din ako. i was willing to submit to a strip search pa naman.
-mini mall ang airport dito. ang ganda, ang smooth ng design niya.
-naturally, mahal ang mga bilihin. ugh. kumakalam na ang sikmura ko.

Saturday, April 04, 2009

Handy DIY Film Retriever

Nakita ko sa net ang DIY retriever na ito. First try, nabalik na kagad yung film. Ang galing.

1. Kuha ka ng negatives mo na luma or film na di mo na ginagamit.
2. Cut teeth into the sprockets of the film
3. Insert the retriever into the film canister
4. With the spool of the film you want to retrieve the leader from facing towards you, turn the knob counter-clockwise until the teeth of the retriever catches the film leader.
5. SLOWLY pull the retriever out. You can do this in a dark room kung takot kayong lumabas ang film galing dun sa spool.
Pero kung nasa daylight kayo at nakalabas na yung leader pero nakakabit pa din yung leader, hold the leader and pull the retriever out. Pero may possibility na masira yung teeth nung retriever niyo kapag ginawa niyo ito. Pero madami naman kayong negs, ok lang yun.

Thursday, April 02, 2009

Notice

Hindi muna ako makaka-check ng site ko kasi we're leaving for Canada na sa April 6.
Napadisconnect na din ang internet pero right now, meron pa. Minsan pala me mabuting bagay din na naidudulot ang kabagalang gumalaw ng PLDT. Anyway...

Let me take this as an opportunity to thank everyone na nameet ko especially sa mga lomowalks at sa mga online buddy na hindi ko na ata makikita ngunit naging mabuting mga online buddy. ugh haha.
Salamat. Wag na kayong magtanong, basta salamat.
Sa mga close friends ko, and for even closer friends, nagsasawa na kayo sa mga pasasalamat ko pero salamat ulit. Mahal ko kayong lahat. Gaya nga ng sinasabi ko palagi, ang lugar ay lugar lang. Pilipinas, Canada, America o kaya Norway, pare-pareho lang yan. Ang nagde-define ng isang lugar ay yung community, yung mga taong kilala mo. Kaya sa aking pag-alis hindi ang Pilipinas ang iiwan ko, kundi kayong lahat.

Ngayon, medyo magtitimpi muna ako sa kaadikan ko sa internet. Dito lang kasi ako napunta para sa research, news, music at mga docu na aking pinapanood. When I take my first breath of canadian air, tutuloy na yun sa pagbili ko ng PC at pagpapakabit ng internet.
I refuse to watch television.

Digression nanaman. Anyway, mawawala lang ako ng sandali. Pagbalik ko, mag-usap muli tayo under common skies.

Avant-Garde Panliligaw Tactics by Bob Ong

Dear Mr. Bob Ong,

Matagal ko na pong nililigawan itong ramp model na stage actress na nakilala ko recently sa isang party. Nasisiraan na ako ng bait. Pag nakilala mo siya, tiyak matutunaw ang utak mo sa kakaisip sa kanya.

Hingi lang po ako ng advice, paano ko po siya mapapaibig? Bibigyan ko ba sya ng tuta? Haharanahin ko ba siya? Roses? Kalachuchi? Chocnut at sampaguita?
In lab na po ako. Ano po ang gagawin ko? Is she the one.

Lubos na gumagalang,
-Bartolome-


-REPLY-


Dear Bartolome,

Hindi ka talaga sasagutin niyang nililigawan mo. NAPAKA-OLD SCHOOL na kasi ng mga tactics mo. Wala nang gumagawa ng ganyan. Sa panahon ngayon, lahat ng bagay, nagtaas na. nagtaas na ang gasoline, nagtaas na ang presyo ng bigas at mga bilihin, nagtaas na ang pamasahe at lalong NAGTAAS NA RIN ANG STANDARDS NG BABAE. Hindi na uubra ung siopao at kalachuchi mo. Lalo na yung huli mong binigay, hopia at santan. Ano ba pare? Anong era ka ba pinanganak?

Pero don’t worry. It’s not too late. May pag-asa ka pa. Hindi pa naman siya kinakasal at di pa niya sinasagot yung crush niya na basketball player. Kahit lamang siya ng sampung paligo sa’yo, daanin mo sa utak at creativity. Dahil aminin na natin, iyon na lang talaga ang pag-asa mo. Heto, bibigyan kita ng mga simple, tried and tested na mga regalo para di siya mapurga sa hopia at siomai. Sundin mo to, tiyak na lalaglag ang bagang niya sa iyo. Mga medyo more than your usual regalong pangligaw:

1. BILI KA NG CENTURY TUNA. Ilagay mo sa isang napakalaking box- yung sinlaki ng TV o kaya box ng desktop PC mo. Tapos balutan mo ng magarang magarang pambalot. Kuntsabahin mo ung teacher nya sa Calculus. Sa gitna ng klase, bigla kang kumatok sa classroom. Pero dapat, incognito ka. Magsuot ka ng LBC jacket, magshades at magsuot ng surgical mask. Pagpasok mo sa classroom, iabot mo yung box sa teacher at papirmahin mo ng acknowledgment receipt. Tapos pabuksan mo in front of everyone. Tignan mong mabuti ang reaksyong sa mukha niya.

Later during the day, pagtinanong niya kung bakit Century Tuna ang binigay mo, iikot mo yung lata at ituro mo un sign na “Omega 8” pagtinanong niya kung ano ung Omega 8, sabihin mo: “because you’re good for my heart.”

2. Mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing nagpapa-dry clean ka. Tapos, sa bawat hanger, isulat mo to: “I miss hanging out with you.”

3. Instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. Gawin mong tissue paper roses. Gawa ka ng isang dosena. Pag-abot mo, sabihin mo, “Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa’yo.”

4. Bili ka ng tetra pack ng mantikang Minola. Tapos bilugan mo yun “with Omega 8.” Hindi na siya magtatanong kung bakit.

5. Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat ung cone lang at walang ice cream. Pag hinanap niya ung ice cream, sabihin mo, “natunaw na kakatitig sa’yo.”

6. Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng black. Lagay mo sa isang box ng crayola. Sa likod, isulat mo: “Walang kulay ang buhay kung wala ka.”

7. Bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. Alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit.

8. Itext mo siya ng “Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. Bagay tayo, BAGAY!”

9. Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA, sa likod, isulat mo.”Para pag nagkabanggaan ang puso natin.”

10. Padalhan mo ng Happy Meal pero humwag mong ibibigay yung libreng laruan. Paghinanap niya, sabihin mo: “Ako ung freebie, at ikaw ung meal na nagpapahappy sa’kin.”

11. Sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: “aanhin mo pa ang bahay mo, kung matagal ka nang nakatira sa puso ko.”

12. Pagatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang box ng posporo, Guitar brand. Unahan ang kanyang galit at sabihin, “ayan ang posporo na ginamit ko sa pagsunog ng iyong bahay, match na tayo.”

13. Sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan siya ng “salbabida”, wag payong o mainit ng mami. Pag nagtanong bakit, ang isagot mo ay “ayaw kong malunod ka sa pagmamahal ko.”

14. Pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at huwag bibitawan ang kamay. Pag tinanong niya kung bakit, ituro mo yun sign na “don’t leave your valuables unattended.”


Handang tumulong lagi,
BOB ONG