Tuesday, November 24, 2009

I need to be sedated

As soon as I had caught sight of that chinese guy carrying this parcel from Arianne out of the post office, I knew na something big was up. For starters, it's a really big box! Kahit ako nagulat. Napansin ko din na yung tape na ginamit para ireinforce yung box ay Rana Respiratory Care Group. Ewan ko kung bakit yun ang ginamit ni Arianne pero it captured the moment perfectly. Nagha-hyperventilate ako. Grabe.
At ano to? Me kakaibang bigat siya!










Wow. Photobook. I rifled through the pages quickly and I knew that I was going to enjoy (and learn so much) this book. International contest siya oh, at nanggaling yung mga contestants sa iba't ibang sulok ng mundo, di kagaya nung Toronto International Camera Fair last sunday, na nilagyan lang ng "International" para magmukhang malaking event. Anyway...















Ooooh. Salman Rushdie. I'm dying to read this... until I finish my book tower (4 books high). Medyo me kakapalan ang librong ito and I would really look like a cool intellectual guy when I read this on the subway. LOL

















Eto pang isa, Required Readings for Anthropology of Political Systems? Ugh? Ang bigat ng titulo. Anyway, pag binasa ko to sa subway, ultimate international pogi points nanaman. Hahaha












At eto na. Camera case. This is not a good sign....


Pagbukas ko... ANAK NG!!!

ME CANON AE-1 NA BUMULAGA SAKIN!!!! ISANG NAPAKAKINIS AT NAPAKAELEGANTENG (tulad ni arianne, but in a different sense of elegance ehem) NA CAMERA

Masyado akong naexcite kaya yung lenteng nakakabit dun sa AE-1 eh yung 28mm na binili ko nung sunday pero eto ang kasama niyang lente. Isang napakagandang 50mm f/1.8 na standard lens. Now, I'm off to look for that 50mm f/1.2 lens. Hehehehe


Woah~! At me dalawa pang rolyo ng Ferrania Solaris! Ang official film ng Italy!

Sobra akong nagulat sa mga laman ng box. I am reminded of the ending of Se7en, yung scene na "What's in the box, what's in the baaax?"

Salamat, mahal kong Arianne. Pero this means nothing if I can't see you soon. I'll be sending you the TLR and the diana soon pero when I see you, bibigyan kita ng mas nakakatuwang regalo.

mmm~


Sunday, November 22, 2009

Vice Accounting II

Nagpunta ako sa Toronto International Camera Fair kani-kanina lang. But first let me tell you na yung "international" sa pangalan nung camera fair is nothing special. Wala lang, someone thought na porket iba ibang lahi ang mga magbebenta ng camera ay lagyan na natin ng suffix na international! Ugh. I spotted some chinese people there, indians, french, germans selling leicas, and a lady named Aida who suspiciously looked filipino who is selling leicas. From the bits of conversation that I was able to hear (again, she has that suspicious tagalog accent), I think namatay yung asawa niya na hindi ko alam kung pinoy o kung ano, at iniwan sa kanya yung koleksyon niya. She has a platinum plated uber rare leica m4 (only 200 were made daw) and she's planning to sell it. Hay nako, ang mga pinoy nga naman. Hahaha :D





Oh look! there's a Canon 7(it looks like a leica III). Inoffer sakin iyan nung lalaki for $150. Ang mura na nun! Kaya lang wala pa sa budget kaya I'll let it go. Alam ko naman na next time ay me lalabas pa na Canon 7 sa mga camera fair dito.
Me lima din siyang Rollei. Tae, alam mo magkano yun? $250! Gusto ko pa namang bumili nun since ang cute cute niya. Lalo na yung itim sa upper corner.





Eto ang isang section ng display ni Leicaman. Yung mga leica niya ranges from $300 (Leica IIIx) - $X000 (Mga Leica M at mga lente). Fortunately, sa ganung price range, hindi na kayang iprocess ng utak ko yung multiple zeroes at nagwi-window shop nalang talaga ako. At least ang dami kong nahawakang leica ngayon. hahaha.








Cool, orange na Nikonos o!













Rolleicord. I like.













Bellows.











Stereocamera ba tawag dun sa gitna? Sino na nakagamit nito?













See all those boxes? They contain expired $1 film. $1=P40. OMG.
Ektachromes, Fujichromes, Astia, Fujicolor, Tri-x, BW400CN, Ilford, Sensia, Velvia, Portra at kung ano ano pa. Unahan nga lang.









To give you a sense kung gaano kalaki yung venue, here's some photos










Ang daming tables! :D










Anyway, for the sake of accounting, ililista ko ang mga nabili ko.






Jupiter 8, $20. Deal na to kasi pag nag ebay ka, $50 ito.












f/2.0. Mmmm. Madumi nga lang ng konti pero madali namang maglinis.











Medyo rough nga lang yung focusing. Isang araw mababaklas ko to. Pero for now usable naman siya kaya ok na din. Nakakita nga pala ako ng Jupiter-3 for only $25! Kaya lang my enthusiasm was shot down nung nakita kong wala siyang aperture leafs. It must have been used in a microscope daw. Ugh.









Wide angle Canon lens. $20. P800. Ka-ching! Bargain!















Hey hey, she's a smoothie.












Mmmmm.








And here cometh the film.













Everything except the Superia 100 was bought at $1. Yung Superia 100 ay $2, fresh film kasi.

At this rate, kelangan ko nang bumili ng maliit na fridge. Napupuno na ang ref namin.


Pero nakakalungkot, ang dami ko ngang film kaya lang wala akong panahong na mag shoot.

Total expenses, $20 (Jupiter 8) + $20 (Canon 28mm FD Mount) + $27 (120 and 35mm film) + $5 (entrance fee) is $72. P3,168.00.

Monday, April 06, 2009

Notes from Seoul

5:45am phil time
6:45am korean time
ilchon airport.

-wow libreng wifi, bakit walang ganito sa naia.
-ang hirap magtype sa psp.
-ang ganda ng mga security inspectors dito. nagtataka nga ako dun sa nag search sakin, me tumutunog talaga sa waist area ko pero after akong kapkapan(wow) pinalampas pa din ako. i was willing to submit to a strip search pa naman.
-mini mall ang airport dito. ang ganda, ang smooth ng design niya.
-naturally, mahal ang mga bilihin. ugh. kumakalam na ang sikmura ko.

Notes from Seoul

5:45am phil time
6:45am korean time
ilchon airport.

-wow libreng wifi, bakit walang ganito sa naia.
-ang hirap magtype sa psp.
-ang ganda ng mga security inspectors dito. nagtataka nga ako dun sa nag search sakin, me tumutunog talaga sa waist area ko pero after akong kapkapan(wow) pinalampas pa din ako. i was willing to submit to a strip search pa naman.
-mini mall ang airport dito. ang ganda, ang smooth ng design niya.
-naturally, mahal ang mga bilihin. ugh. kumakalam na ang sikmura ko.

Saturday, April 04, 2009

Handy DIY Film Retriever

Nakita ko sa net ang DIY retriever na ito. First try, nabalik na kagad yung film. Ang galing.

1. Kuha ka ng negatives mo na luma or film na di mo na ginagamit.
2. Cut teeth into the sprockets of the film
3. Insert the retriever into the film canister
4. With the spool of the film you want to retrieve the leader from facing towards you, turn the knob counter-clockwise until the teeth of the retriever catches the film leader.
5. SLOWLY pull the retriever out. You can do this in a dark room kung takot kayong lumabas ang film galing dun sa spool.
Pero kung nasa daylight kayo at nakalabas na yung leader pero nakakabit pa din yung leader, hold the leader and pull the retriever out. Pero may possibility na masira yung teeth nung retriever niyo kapag ginawa niyo ito. Pero madami naman kayong negs, ok lang yun.

Thursday, April 02, 2009

Notice

Hindi muna ako makaka-check ng site ko kasi we're leaving for Canada na sa April 6.
Napadisconnect na din ang internet pero right now, meron pa. Minsan pala me mabuting bagay din na naidudulot ang kabagalang gumalaw ng PLDT. Anyway...

Let me take this as an opportunity to thank everyone na nameet ko especially sa mga lomowalks at sa mga online buddy na hindi ko na ata makikita ngunit naging mabuting mga online buddy. ugh haha.
Salamat. Wag na kayong magtanong, basta salamat.
Sa mga close friends ko, and for even closer friends, nagsasawa na kayo sa mga pasasalamat ko pero salamat ulit. Mahal ko kayong lahat. Gaya nga ng sinasabi ko palagi, ang lugar ay lugar lang. Pilipinas, Canada, America o kaya Norway, pare-pareho lang yan. Ang nagde-define ng isang lugar ay yung community, yung mga taong kilala mo. Kaya sa aking pag-alis hindi ang Pilipinas ang iiwan ko, kundi kayong lahat.

Ngayon, medyo magtitimpi muna ako sa kaadikan ko sa internet. Dito lang kasi ako napunta para sa research, news, music at mga docu na aking pinapanood. When I take my first breath of canadian air, tutuloy na yun sa pagbili ko ng PC at pagpapakabit ng internet.
I refuse to watch television.

Digression nanaman. Anyway, mawawala lang ako ng sandali. Pagbalik ko, mag-usap muli tayo under common skies.

Avant-Garde Panliligaw Tactics by Bob Ong

Dear Mr. Bob Ong,

Matagal ko na pong nililigawan itong ramp model na stage actress na nakilala ko recently sa isang party. Nasisiraan na ako ng bait. Pag nakilala mo siya, tiyak matutunaw ang utak mo sa kakaisip sa kanya.

Hingi lang po ako ng advice, paano ko po siya mapapaibig? Bibigyan ko ba sya ng tuta? Haharanahin ko ba siya? Roses? Kalachuchi? Chocnut at sampaguita?
In lab na po ako. Ano po ang gagawin ko? Is she the one.

Lubos na gumagalang,
-Bartolome-


-REPLY-


Dear Bartolome,

Hindi ka talaga sasagutin niyang nililigawan mo. NAPAKA-OLD SCHOOL na kasi ng mga tactics mo. Wala nang gumagawa ng ganyan. Sa panahon ngayon, lahat ng bagay, nagtaas na. nagtaas na ang gasoline, nagtaas na ang presyo ng bigas at mga bilihin, nagtaas na ang pamasahe at lalong NAGTAAS NA RIN ANG STANDARDS NG BABAE. Hindi na uubra ung siopao at kalachuchi mo. Lalo na yung huli mong binigay, hopia at santan. Ano ba pare? Anong era ka ba pinanganak?

Pero don’t worry. It’s not too late. May pag-asa ka pa. Hindi pa naman siya kinakasal at di pa niya sinasagot yung crush niya na basketball player. Kahit lamang siya ng sampung paligo sa’yo, daanin mo sa utak at creativity. Dahil aminin na natin, iyon na lang talaga ang pag-asa mo. Heto, bibigyan kita ng mga simple, tried and tested na mga regalo para di siya mapurga sa hopia at siomai. Sundin mo to, tiyak na lalaglag ang bagang niya sa iyo. Mga medyo more than your usual regalong pangligaw:

1. BILI KA NG CENTURY TUNA. Ilagay mo sa isang napakalaking box- yung sinlaki ng TV o kaya box ng desktop PC mo. Tapos balutan mo ng magarang magarang pambalot. Kuntsabahin mo ung teacher nya sa Calculus. Sa gitna ng klase, bigla kang kumatok sa classroom. Pero dapat, incognito ka. Magsuot ka ng LBC jacket, magshades at magsuot ng surgical mask. Pagpasok mo sa classroom, iabot mo yung box sa teacher at papirmahin mo ng acknowledgment receipt. Tapos pabuksan mo in front of everyone. Tignan mong mabuti ang reaksyong sa mukha niya.

Later during the day, pagtinanong niya kung bakit Century Tuna ang binigay mo, iikot mo yung lata at ituro mo un sign na “Omega 8” pagtinanong niya kung ano ung Omega 8, sabihin mo: “because you’re good for my heart.”

2. Mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing nagpapa-dry clean ka. Tapos, sa bawat hanger, isulat mo to: “I miss hanging out with you.”

3. Instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. Gawin mong tissue paper roses. Gawa ka ng isang dosena. Pag-abot mo, sabihin mo, “Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa’yo.”

4. Bili ka ng tetra pack ng mantikang Minola. Tapos bilugan mo yun “with Omega 8.” Hindi na siya magtatanong kung bakit.

5. Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat ung cone lang at walang ice cream. Pag hinanap niya ung ice cream, sabihin mo, “natunaw na kakatitig sa’yo.”

6. Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng black. Lagay mo sa isang box ng crayola. Sa likod, isulat mo: “Walang kulay ang buhay kung wala ka.”

7. Bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. Alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit.

8. Itext mo siya ng “Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. Bagay tayo, BAGAY!”

9. Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA, sa likod, isulat mo.”Para pag nagkabanggaan ang puso natin.”

10. Padalhan mo ng Happy Meal pero humwag mong ibibigay yung libreng laruan. Paghinanap niya, sabihin mo: “Ako ung freebie, at ikaw ung meal na nagpapahappy sa’kin.”

11. Sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: “aanhin mo pa ang bahay mo, kung matagal ka nang nakatira sa puso ko.”

12. Pagatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang box ng posporo, Guitar brand. Unahan ang kanyang galit at sabihin, “ayan ang posporo na ginamit ko sa pagsunog ng iyong bahay, match na tayo.”

13. Sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan siya ng “salbabida”, wag payong o mainit ng mami. Pag nagtanong bakit, ang isagot mo ay “ayaw kong malunod ka sa pagmamahal ko.”

14. Pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at huwag bibitawan ang kamay. Pag tinanong niya kung bakit, ituro mo yun sign na “don’t leave your valuables unattended.”


Handang tumulong lagi,
BOB ONG