The Bakit
Me nakakatuwang nangyari dati, mga apat na taon na rin ang nakakaraan. Drafting class nun at nagawa ako ng plate tungkol sa perspective. Tapos na yung plate ko nun eh, at ipinakita ko sa aking professor para maaprubahan na at maisubmit na.
Sabi niya me mali ako. Edi bumalik ako sa mesa ko at ginawa ang naayon na mga pagbabago. Bumalik ako sa kanya at ipinakita ang ginawa kong pagbabago. Eto ang usapan namin:
Ako: Sir, eto na oh. Tama ba to?
Prof: Hmmm... You cannot change the given.
Ako: Ha? ah eh... bakit naman?
Prof: Ganun eh. (sabay kibit ng balikat)
Nabadtrip ako noon. Dahil mahal ang tinta ng drafting pen (di siya mahal actually, mahirap lang manghingi sa kaklase mo ng tinta) at me ginto na kasama sa paggawa ng drafting paper ng don bosco (eto lang ang maisip kong eksplanasyon kung bakit ang mahal ng drafting paper sa amin), nagdesisyon na lamang akong huwag gumawa. Natulog ako para palipasin ang oras.
Bakit nga ba bawal baguhin ang given? Bakit ganun kahirap baguhin kung ano ang mga naka-establish na?
Bakit mahirap baguhin ang isip ng tao? Bakit me mga taong kahit anong sabihin mo, iyon at iyon pa rin ang paniniwalaan? Kahit mali at sila'y nasasaktan?
Bakit tatakbo si Erap? GAGO tayo kapag nanalo siya. Oo, GAGO. (wala itong koneksiyon sa post na ito, pero dahil GAGO siya, GAGO na rin tayo kapag umupo siya at irepresent ang pinas sa mundo. Oo, ang bansa ng mga GAGO)
Bakit kapag me iba sayo pinagdidiinan pa ng iba? Siya ba si Erap para maging ganun kagago? haha.
At ang pinakaimportanteng bakit sa lahat, bakit ang mahal ng drafting paper ng don bosco???

0 Comments:
Post a Comment
<< Home