Green Star di na bibiyahe ng Lawton, langya ka Lim
Nakakainis. Dahil sa panukala ni Lim, ipinagbawal na ang mga provincial buses sa pagbiyahe sa Maynila.
Papunta kaming Kalaw kanina para magpatingin ng mata (Haha. Bad pun not intended.) pero nagulat ako, Buendia LRT pa lang, pinapababa na kami ng kundoktor. Nagsisimula pa nga lang akong mahimbing sa upuan ko, yung tulog na parang tutulo ang laway mo at mapapanaginipan mo yung crush mo na tumatakbo kayo sa damuhan, hawak kamay at tuwang tuwa, pero wala. Naudlot ang tulog kong masarap at ang posibilidad nang panaginip na imposible namang mangyari sa totoong buhay. Wala.
Badtrip. Napilitan tuloy kaming sumakay ng jeep papuntang
Pero pauwi kanina, me narealize ako. Kung bawal na ang mga provincial buses sa Maynila, ibig sabihin nito wala nang mga Green Star (bus ito na biyaheng Pacita –
Going further, makikita natin na malapit ang terminal na ito sa CSB at Lasalle. At kanina, nung sumakay ako ng bus sa nasabing terminal, me mga nakita akong mga tiga FEU. Wow. Panibagong hunting grounds. As in madami, oo madaming chikas. Napakadami.
Parang di na ako makapaghintay na magpasukan na ulit. At sumakay ng sumakay sa Pacita Liner. haha.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home