Monday, March 17, 2008

Is that even an advantage?

Alas quatro na. Kinabukasan, gigising ako ng 6:00 at me dalawang exam, parehong alanganin. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi pa ako inaantok.

Anyway, masarap mag feeling na hopeless at suicidal kapag me exams. Di mo na iniisip ang posibleng epekto ng puyat sa iyo. Ako nga, tatlong linggo nang tig lilima o apat na oras lamang ang oras, sinasabayan ko pa ng jogging sa gabi. Mas ok nang mapagod ako kaysa sumagi sa isip mo ang lagay ng buhay mo.

Masarap mapagod. Nagiging puro ang kalagayan ng isip at gumagaan ito. Dahil dito, it swings upon it's axis, the neck. Dahil dito pinanganak ang contemporary headbanger. Hmmm... wala lang. Naisip ko lang. Para kasing ang sarap iuntog ang ulo sa pader kapag puyat, baka sakaling luminaw, o kaya matagtag at lumabas ang isang natatagong abilidad tulad ng... psyche reading! Ayos siguro yun, kung me gusto kang malaman sa isang tao, magtatanong ka ng mga katanungang indirectly eh dumadampi sa paksang iyong ninanais na malaman. Kung magagawa ko lang yoon, di na siguro ako nagsimulang manigarilyo muli, dahil sa mga nakakalitong eksena ko sa mga kaibigan ko. Isipin mo, tanungin mo lang siya kung ano paborito niyang kulay at malalaman mo na kung only child lang siya o ano... parang yung kokology ni mariel.

Naaalala ko tuloy si Sigmund Freud. Sabi niya lahat ng motivation ng tao ay linked sa kanyang sex drive. cool.

Kumpirmado na. Boring siya (at least sa standards ko). Madami na rin ang nawawalan ng kumpiyansa sa kaniya. Itatago nalamang natin siya sa pangalang "Golden Boy", kasi ginintuan ang kanyang puso. Pero tulad ng ginto, malambot ang puso niya at para siyang putik sa kamay ng mga babae. Kawawa ka naman.

(ayan tumitilaok na ang tandang, susubukan ko nang matulog.)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home