Tuesday, August 01, 2006

Ang Leksyon ng mga Salmon

"Boy, alam mo ba, kapag breeding season na ng mga salmon, kahit anong direksyon ng tubig eh lalabanan nila yan. Tumatalon nga sila kapag di nila nakaya na sumalungat sa agos ng tubig saka sa mga maliliit na waterfalls."

"Ganun ba sila kadesperadong makasibak tatang?"

"Haha. Nakakatuwa kang bata ka. Pinapaalala mo sakin yung anak ko sa Singapore."

"Salamat ho tatang."

"Basta ganun sila. Yung ibang salmon nga namamatay dahil sa pagod eh pero at least ginawa nila yung makakaya nila."

Patuloy kong tinitigan ang rumaragasang ilog. Tumatalon nga ang mga salmon. Tila walang pagasa pero banat lang ng banat. Ang lupit.

Itutuloy ko ang payo sakin ni tatang. Kahit napakalakas ng agos ng tadhana, kung ito ay di ko maibigan, sasalungat at sasalungat ako sa daloy. Kung di ko gusto iiwan ko nalang basta. Di ko taw kawalan yun sabi ni tatang. Ano ba yun sakin? Kung gago ako sa paningin nila well, mas gago ako sa akala nila, ako yung tipong pumapatay ng kaluluwa.

Tatandaan ko ang mga taong yun. Di ko maisip kung gano sila kaastig, nakakaya nilang makipagusap sayo ng normal habang ginagago ka. Ewan ko ba san nila natutunan yun. Bakit kaya sila ganun? Baka sila yung hindi napalaki ng mabuti ng magulang nila.
Patay na isda lamang ang sumusunod sa agos ng tubig. Hinahamon ko kayong sumalungat sa agos ng tadhana at kapalaran.
Pasensya na ngunit ang aking kalayaan sa pagsasalita ay nakumpromisa na, pero hindi dito sa kabila lamang.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home