Ang leksyon ng dalawang kabayo
"Boy, meron dating dalawang magkapatid, nagaaway sila kaya binigyan sila ng tatay nila ng dalawang kabayo na magkaaway. Sabi nung tatay nila, kapag napagbati nila yung dalawang kabayo eh ibibigay niya sa kanila yun."
"Eh tatang ano naman ginawa nila?"
"Ang ginawa nung bunso eh tinali yung dalawang kabayo tapos hinagupit yung kabayong lumalaban.
Pero di pa rin tumigil ang pagaaway ng mga kabayo."
"Ang lupit naman niya ho tatang."
"Kaya nga eh... Inulit ulit nya yun, hanggang sa mapagod na sya ng kakapalo. Ayaw nyang pasubukin yung kuya nya. Gusto nya kasi kaniya yung dalawang kabayo."
"Ano nang nangyari sa storya tatang?"
"Ngayon sumuko na yung kapatid nya. Kaya yung kuya ang ginawa, pinakawalan nya yung dalawang kabayo sa isang lambak."
"Eh di nakatakas sila tatang?!"
"Hindi. Para yung lambak ng walang pagibig sa Condor Heroes, kala ko ba nanonood ka nun?"
"Ah ganun ba yun tatang. Pati pala kayo nanonood nun"
"Ang lupit ng fight scenes eh. Nakakaaliw."
"Ano na nga pala nangyari dun sa kabayo tatang?"
"Ah. Ngayon nung kinagabihan pagkatapos pakawalan nung kuya yung dalawang kabayo, nagdisguise siya bilang isang lobo tapos tinakot nya yung dalawang kabayo."
"Waw napaka unconventional naman nung method nya... Ang galing din nya. Ano nang nangyari tatang?
"Ayun, Dahil sa natakot yung dalawang kabayo, natuto silang maging interdependent at umasa sa isa't isa. Pagkatapos, narealize nung dalawang magkapatid yung kanilang pagkakamali at binigay naman nung kuya yung isang kabayo sa nakababata niyang kapatid."
"Tama kayo tatang. Give and take dapat para masaya. Sige next time, kayo naman manlilibre ng inom natin tatang ha?"
"Sure boy. Akin din ang pulutan."
Natandaan ko ang aming paguusap ni tatang. Tama nga naman ito at minsan sa mga pagkakataon na dehado ka saka mo lamang makikita ang mga taong talagang mapagkakatiwalaan mo at tunay na maasahan. Bakit kaya ganun ang tao diba? Kelangan pang masaktan para matuto, para magkabuklod-buklod.
Masyado nang maraming taong di na marunong manindigan ngayon. Di mo malaman kung saang cirkulo talaga nabibilang, kung saang nagkandaleche-lecheng mga lugar nila natutunan yung kanilang malulupit na teknik. Ano bang "School of thought" ninyo? basta ako, Neo-Armageddon Evangelist!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home