Ang lumilipad na orasan
Tila parang kailan lang nung ako ay masayang nakatayo sa harap ng burger king at nagaabang ng kahihinatnan ng taon na ito. Parang kailan lang nung matanggap ko ang unang bagsak kong papel sa stat. Para ring kailan lang nung ako ay umuwing hilo at masakit ang katawan dahil sa hirap sumakay sa me city hall.
Ang bilis. At ngayon, eto nanaman ang mga panahon ng pagsisisi, ng mga panahon ng matinding pagaaral at mga pangako ng mabuting pagaaral at paglayo sa bisyo dahil dehado na ang lagay mo at kelangan mong magconcentrate. Nagsisisi ka dahil hindi ka nagaral, dahil sa ngayon mo lang naintindihan ang mahirap na leksyon na itinuturo ng guro mo at nung naintindihan mo eh nalaman mo na napakadali lang at halos iumpog mo ang ulo mo sa pader dahil dito.
Di mo na rin masisisi yun eh. Marami din namang ibang mga bagay na dapat mong isaalangalang sa paghahanap mo ng kabuluhan sa mga ginagawa mo ngayon. Marami ring mga pagkakataon na minsan mong naipagpalit ang mali sa tama dahil lamang sa di mapipigilan na mga pangyayari kagaya ng galit at kalungkutan.
Ang bilis ng panahon. Halos di ko na rin makita ang sarili ko dahil sobrang bilis ng mga bagay na gumagalaw sa aking paligid. Ngayon, ito ang oras na aking ilalaan para tumigil at titigan ang aking sarili at huwag munang sumabay sa agos ng tadhana ko.
In short, lalabas ako at magkakape with matching oxygen.
At one o'clock in the morning.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home