Tuesday, August 08, 2006

Ang katahimikan bago ang bagyo

Ayan. Malapit na ang prelims.

Actually, sa wednesday na, dapat nagaaral na ko kaya lang nainspire ako bigla, dahil sa lumalagong grupo ng mga tagahanga sa aking mga akda. Mabuhay kayong lahat.

Ang hirap ng lagay ko kasi ngayon. Napakabilis kasi ng takbo ng oras sakin. Fleetingly attainable ang lahat ng bagay dahil di ako katulad ng ibang tao na linear ang galaw ng oras. Ang oras ko pabalik-balik, umiikot, maraming detour at minsan overdrive pa. Tumigil lang ako minsan para magisip tinutulak na ko ng mga tao sa likod ko at sumisigaw "Bumalik ka na sa mundo tol!!!". Ang hirap, lahat kasi ngayon expected sayo magagawa ang lahat ng expectations sayo. Masyado na kasing marami ang mga preconcieved notions sa mundong ito. Puta, makita ka lang ng isang beses, makasama ka ng ilang ulit, me kumpleto na silang character makeup at profile mo! Feeling close na me gana ka pang gaguhin.

Oo, Ito ang katahimikan bago ang bagyo. Malapit na akong magwala, ilabas ang aking tunay na natatagong lakas at talento. Kung akala nyo na hanggang dito nalang ako, nagkakamali kayo. Marami pa akong sikreto na di nailalabas.

Matahimik ang lahat ngayon ngunit malapit na akong mapuno sa mga kagaguhan na pinapakain sakin. Eh ako naman, minsang ginusto na mapabilang sa taong di ko naman gusto pero for the sake of decency, kinain ko naman. Kaya ngayon sawang sawa na ako. Pero alam ko naman na kelangan kong magtimpi pero lumampas lang sila sa linya, di ako magaalinlangan. Isasaksak ko ang bolpen ko sa lalamunan nila. Subukan nyo ko, di ko kayo aatrasan.

Prejudice. Kalaban ko ito simula nang ako ay pumasok sa kolehiyo. Pero kadalasan kapag nagsalita na ako, nawawala ito. Well, kung naintindihan mo mga sinabi ko. Kaya ngayon, pakiramdam ko me aura ako eh. Malayo palang kasi ako naglalayuan na mga tao.

Well ok lang naman, medyo antisocial naman akong tao eh. Walang mawawala sakin.
Mga gago wala akong pinariringgan ha, baka ano nanaman isipin nyo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home