Friday, November 28, 2008

The Purple Rose of Cairo

Dahil sa kasakiman ng isang tao, nasayang ang aking pilgrimage sa Cairo upang matagpuan ang pinaka aasam asam kong Purple Rose. Naka full battle gear pa naman ako nun, khaki get-up, me machete sa belt ko, suot ko ang Indiana Jones cap ko at yung invincible hiking boots na padala ni erpat galing Canada. Ngayon alam niyo na ang suot ko, ipagpatuloy natin ang istorya.

Moving on, sa aking pagkakaalam, me hardin naman siya ng mga Purple Roses ngunit binayaan niya itong malanta. At siguro, mga 3 years ago, naging endangered species na ang nasabing bulaklak nang dahil sa kanyang kapabayaan. Tapos you expect me to give way kapag kukunin mo yung rosas na hawak ko na? King-ina mo. Sa mga narinig ko dun sa mga tao sa Cairo at mga nomads ng mga disyerto, hindi mo naman talaga gustong alagaan ang mga Purple Roses. Sadya kasing maarte ang halamang ito, sabi ng mga nomads. Imagine, dapat hinahaluan mo ng multivitamins yung tubig na dinidilig mo sa kanya at tumutubo lang siya sa 100% amazonian soil pero sa temperature lang siya ng Cairo nabubuhay? Leche nga naman.

Pero yung Purple Rose of Cairo na nakita ko, talagang survivor. Sobrang harsh nung conditions pero nabuhay pa din siya. Nilagay ko na nga yung rose sa dala kong special botanical life support system suitcase pero nung napagalaman nung king-inang tao na yun na me dala akong rosas, nag assert siya ng right niya over dun sa rose na yun. Eh putsa, ano bang pakialam mo? Binayaan mo yung rosas tapos ako, naghirap ako, nanggaling pa ako ng Muntinlupa pero kukunin mo lang yung bagay na hinahanap ko ng apat na taon? King ina mo ulit. Gago. Napakadaming beses na din akong nabigo sa paghahanap at ngayon na nakita ko na ang katuparan ng aking mga pangarap kukunin mo ang rosas ko? King ina mo, pangatlong beses na at idadagdag ko pa ang lahat ng murang alam ko. Wala kang karapatan dahil binitawan mo na ang mga rosas at kung kailang hawak ko na at nakalagay na sa aking uber special botanical life support system suitcase kukunin mo ito? Maalagaan mo ba yan? Gago. Sasayangin mo lang ang mga rosas ko.

Pero ang malungkot, hindi ako ang pinili nung mga rosas.
Hindi pala malungkot, sobrang sakit.
Me lason palang dala ang mga tinik ng Purple Rose of Cairo.



So remember this: see this machete of mine? When I learn of your name I'm gonna gut you with my machete and hang you in the highest wall in Cairo and I'm gonna water "your" rose with your blood.
After doing that, I'll make sure you live and destroy not your physical body but your mind, the very core of your being. I'll make sure you roam the streets of Cairo remembering your grand past and realizing everyday that you're just a broken shell of your former self. I wish you live long enough for you to experience an experience just like that you bastard.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home