Wednesday, November 12, 2008

Escape velocity, as a figure of speech

Escape Velocity is the minimum speed an object without propulsion need to have sufficient energy to be able to "escape" from the gravity, so that gravity will never manage to pull it back. To then escape "gravity", you need to travel at a speed of 11.2km/sec. The mass does not affect the speed required to escape gravity but the energy required to propel the object increases proportionally with it's mass.

Here is my formula: to leave reality(gravity), a dream and or aspiration(mass) must be propelled by dedication, strength of will, the will to power and a certain disregard for reality(energy). But as always, reality will always catch up to you. At kapag depressed ako nagtatagalog ako kasi nagii-skip ng sobrang daming beat ang puso ko. Nagkukulang ang supply ng dugo sa utak ko at di ako makapag isip sa english. That piece of info aside, yun nga, naging masyadong malakas ang gravity at pinilit akong hatakin nito pababa. Wala akong nagawa. Mapipilit ko ba namang bitawan ako ng realidad at mapipilit ko ba naman ang isang tao na mayroon nang rock solid determination sa bagay na napili niya (I support your decision. Di ako galit, ok na sakin yung kaalaman na ok ka. Hope everything works out alright for you). Di ako nakatakas sa gravity ng realidad.

Mula sa layo na 9000km mula sa mundo (malapit lapit na ito sa space, kung saan tuluyan mo nang matatakasan ang gravity), ako'y bumagsak. At dahil nagkakaron ng acceleration na 9.8m/sec ang isang falling body, sobrang deep impact talaga. Nagkakaron tuloy ako ng mga mental images ng mga craters sa utak ko. Pero walang makakapansin nung pagbagsak ko dahil palaging internal ang pagsabog ng damdamin ko. Mabuti na din yung deretsahan niyang sinabi. Iyon din ang gusto ko, hindi yung hahawakan ka lang at arm's length at magtataka ka kung bakit di ka na makalapit. Salamat na din, mas magandang bumagsak like a ton of bricks kaysa mag crash and burn ka.

Kulang na ako sa oras. Siguro wala nang mauulit na ganun, at least habang nandito pa ako sa 'pinas. Sa buong apat na taon ko sa UST tila pinaglalaruan ako ng tadhana. Buong apat na taon nilagay ang bagay na pinaka-gusto ko sa likod ng salamin at kung kailan huli nang taon ko sa UST at sa 'pinas, kung kailan akala ko nabasag ko na ang salamin at kukunin ko na ang (eww ayokong banggitin yung L word ang sagwa) saka pa tuluyang tinakpan na ng pader yung salamin. Wala na. ----ngina mo tadhana.

Pinaglalaruan mo ba ako, binibiro mo ako, t--gina ka? Tatawa nalang ako. Wala din naman akong magagawa.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home