Life in the Philippines is a very long Kafka novel
Naalala ko yung post nung isa kong kaibigan, sabi niya ay di raw makatarungan ang pagpapaalis sa mga illegal residents o mga squatter sa riles ng tren doon sa me
Maaring inakala nila na nandito sa Maynila ang pag-asa at karangyaan. Oo, maari nga, lalo na kapag mahilig kang manood ng lumang palabas sa sine, lahat sila sinasabi na ang pag-asa ay nasa Maynila. Ngunit wala na sa Maynila ang pag-asa. Ito ay nasa ibang bansa na.
Nako, nag-digress nanaman ako. Kapag bumalik tayo sa orihinal na paksa ay makikita natin na isa pang rason ay di developed ang mga rural area ng ating mahal na bansa *dies*. Maaring naiingit sila o kaya gusto nila na makamit ang de-kalidad na edukasyon.
Pero, that is simply beside the point. Wala tayong pakialam sa rason nila kung bakit sila nandito sa Maynila. Dapat ba andun sila sa gilid ng riles ng tren in the first place? Dapat ba silang magtiis sa pamumuhay ng siksikan? Dapat ba silang magbukas pa ng radio tuwing magtatalik sila (oo, nangyayari to) para lamang maitago ang kanilang hiya at puri? Reklamo sila ng reklamo ngunit wala naman silang magawa para sa sarili nila. Sarili nilang kamay ang sumulat sa kapalaran nila.
Minsan na kong nag-offer ng solusyon sa problema nila. Tanggalin ang Maynila bilang sentro ng lahat ng bagay at ilipat ito sa mga lungsod sa probinsiya tulad ng Lucena,
Akyatin na rin natin ang bundok ng “in the first place” na problema ng ‘Pinas. Isa na rito ay ang mga pulis natin. Ang galing diba? Napapabalita na yung mga tapat at di nangongotong na pulis ngayon. Pero in the first place, dapat ba silang gumagawa nun? Diba dapat naman ay tapat ang mga pulis? Kaya it’s nothing to be proud of kung isa kang matapat na pulis. Ginagawa mo lang ang trabaho mo. Bakit mo kelangan ng award? Ah, oo. Kasi kokonti nalang kayo.
Eto pa. Yung mga taxi driver na nagbabalik ng pera o kaya gamit na naiwan ng mga pasahero. Kadalasan ay tuwang tuwa ang mga may-ari ng mga nawawalang gamit na ito diba? At ang laking isyu kapag may taxi driver na nagbalik ng gamit. Sa ‘Pinas lang ganyan kasi sa ibang bansa, lalo na sa
Madami pa ang mga ito kaya lang di pa sila sumasagi sa ulo ko. Pero wow, sobrang surreal ng mahal kong ‘Pinas. Nagtataka nga ako, baka nandito nagiintersect ang dalawang horizontal planes ng isang dimension na mas kakaiba kaysa sa atin kaya madaming nangyayari na kababalaghan dito. O kaya nagkaroon ng punit sa dimensional fabric at nagkaroon ng interdimensional space warp (sorry, my imagination is on overderive) na ginagawang lagusan ng mga tiga-ibang mundo para obserbahan ang ugali at mundo ng mga tao. Come to think of it, tsismoso ang mga pinoy diba? At madami sa atin ang baliw (oo isa ako doon)? Hindi siguro malayo sa katotohanan na ang iba sa atin ay tiga ibang planeta. O tiga ibang dimensiyon. Lahat kasi ay maaring mangyari sa ‘Pinas. Lahat posible. Pero hindi lang naman mga kakaibang bagay ang possible dito. Posible din ang mga magagandang bagay dito na hindi maaring mangyari sa ibang mga lugar sa mundo.
Sabi nga ni Jessica Zafra, what other nations call “magical realism” we Filipinos call “reality”. Ganito na siguro talaga ang realidad sa mahal kong ‘Pinas. Parang pantasya na fairy tale na minsan isang horror movie.
Pero kahit anong mangyari, mahal ko ito. Bilang Pilipino, magiging boring ang pamumuhay sa ibang bansa dahil compared to the

0 Comments:
Post a Comment
<< Home