Tuesday, April 29, 2008

Bakasyon at ang Self Fulfilling Prophecy

Ilang araw akong nawala? Mga sampung araw? Hmmm… di naman ata. Pero anyway, di ko napansin ang panahon. Sobrang busy. As in.

Dun sa sampung araw na iyon, madami akong nagawa. Nagpunta kami nung angkan naming, ang angkan ng mga Laurel, sa isang liblib na isla sa Quezon. Tanaw ko na nga yung visayas doon, kaya isipin mo nalang kung gaano kalayo ang lugar na iyon.

Ngunit sa pagbabakasyon ng aking katawan ay gumana naman ang aking isipan. Nagbakasyon nga ako dun sa islang iyon ngunit doon naman pumasok ang kung ano ano sa isip ko. Mga magagandang shots, light conditions, composition at mga stratehiya upang hindi ako mapansin para mas maganda at candid ang mga kuha ko. Tuwang tuwa ang SLR ko sa lugar. Ang ganda nung isla, puro puno at rock formations. Kung may dala akong lubid nagsimula na akong mag rock climbing. Sariwang hangin, bagong huling isda, napakaraming berdeng kung ano ano at malamig na beer. Mmm. Sarap.

Last week napatunayan ko na rin ang kapangyarihan ng mga self fulfilling prophecies. Kasi isang buwan ko nang iniisip na magkakaron ako ng PSP (hinihintay ko na nga lang yung swledo ko, pero dahil sa kapangyarihan ng self fulfilling prophecy ay napaaga ang pagbili ko nito), at sa wakes ay nakabili na din ako nung isang lingo. Marunong na nga akong mag modify ng PSP at maglagay ng PS1 na laro bago pa man ako magkaroon nung actual na unit.

Sariling pera at konting tulong mula kay ‘tay ang pinambili k okay Persephone (Oo, pinapangalana ko na gmga gamit ko, may mali ba doon?). Kaya ganon na lamang ang pagmamahal ko dito.

Kaya ito, ito ang kapangyarihan ng mga ganitong propesiya. Kapag inisip mong mangyayari, mangyayari talaga yun. Dahil dito, gumawa ulit ako ng isa pang self fulfilling prophecy: amber skinned girl you are mine mine mine! Hahaha.

(Sa mga nagbabalak nga pala na bumili ng PSP: di naman talaga portable ang PlayStation Portable dahil sa bansa nating “napakaganda” *dies* na lahat ay puede, ang pagdala sa labas ng iyong PSP mo ay maari itong maisnatch. Puede ka ring ma hold-up at ang pinakagrabe, maging rason pa ito ng iyong katapusan. Seryoso. Kaya magingat ka, PSP buyer.)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home