Goodbye and Forever Hello, 2008
Eto nanaman, patapos na ang taon at ang mga tao, nagwawala nanaman sila sa mga pre-apocalyptic prophecies nila at mga hula tungkol sa lovelife ng mga celebrities (na halos pareho lang). Pero puro sila hinaharap, samahan niyo ngayon ako sa aking pagbalik lingon sa mga nangyari noong taon na ito. At dahil ako ang nagsulat nito, puro ako, ako at ako lang ang paguusapan natin dito. Ang mga kasiyahan ko, yung mga pangakong natupad at nabali, yung pagkahulog ko sa napakalalim na hukay ng depression at mga leksyon na aking natutunan ang ating paguusapan dito. Handa ka na ba? Tara, pasukin natin ang napakakulay, napakasaya, napakalungkot at minsang sobrang nakakabadtrip na year 2008 ni Kelvin.
btw, yang last paragraph na yan, nirephrase at tinagalog version ng intro ko nang year ender entry ko last year. sorry, busog ako sa pasta at pagmamahal kaya di makapagisip ng maayos na intro. cheers. ^_^
Enero....
Nahihirapan akong alalahanin ito, dahil siguro kasi walang masyadong nangyari dito. Ang pinakanaaalala ko sa buwang ito ay punong puno ito ng pangako't mga hiling. Sa bilang ng mga pangako at hiling na natupad, akoy walang maalala. Badtrip.
And then came February.
Yung Pebrero ay medyo boring, dahil talagang hindi ako nageenjoy sa panonood ng mga couples na nagsasabihan ng "ilabshooo hunni" at nagp-PDA sa UST. Ewan ko ba, siguro naiinggit lang ako, pero gaya nga ng sabi ko, ewan ko nga. Salamat kay paul, ice at riki, kasama ko ata kayo nung feb.14, nagyosi at kumain sa me P.Noval. Pero kung schoolwork ang paguusapan, sobrang busy. One word: thesis. Oo nga pala, tumakbo yung kathesis ko sa economics society. Dito din nagsimulang umusbong ang mga rosas na magpapahirap sakin (oo, umibig ako sa taong hindi ako sasagutin). Haha.
Eto na, marso. Medyo madami ang nangyari nitong buwan na ito. Unang una, sa month na ito una kong naapreciate ang photography at nagsimula na akong kumuha ng kumuha ng litrato. Tumibay ang bonding namin ni Jordan at naging master ko siya, dahil siya ay may DSLR tapos ako malupit na filter lang ang maipagyayabang ko. Bumili na din ako ng jacket na pang neg(negativeXpositive vibes dood) dahil gusto kong mang chicks. Pucha, di gumana. haha.
Yung rosas na nabanggit nung pebrero, nagkagalit kami. As in galit na galit. Puchang economics society kasi yan. Kahit ngayon sinusumpa ko sila. Anyway, ayon, di na muna kami nag-usap. Dahil doon, inisip kong mag suicide. Ulit. Yak.
Nung katapusan ng marso, di ko na maalala, uminom ata ako o nagyosi lang mag isa pero ang pinakatanda ko ay yung birthday ni Margon. Me nangyari dun na hindi ko makakalimutan dahil, haha, badtrip talaga. Ang masasabi ko lang ay may hinatid akong lasing sa me greenhills. Ugh. Matapos nun, di na kami nag usap. Badtrip. Crush ko pa man din siya.
Abril, o abril. Ito ang "philosophical self rediscovery" month ko (shet, anong ibig sabihin nun?). Unang una, nagpabunot ako ng ipin, tapos dahil sa sakit, I realized na I was not in pain, I was pain itself. Because of this realization, nakapagpatuloy ako sa aking buhay. Nakalimutan ko yung pait ng nakaraan at namispis ako sa mga kasalanan ko. Ayun, malinis na.
Nakabili nga din pala ako ng libro ni Friedrich Nietzsche at bumiyahe kasama ni Renel sa Ananda Marga dun sa sikatuna village sa QC. Madami akong natutunan tungkol sa hinduism saka sa mysticism na bumabalot dito. Bumili na din ako ng PSP at nakatulong ito para ako'y malibang. Hindi ko ginawang entertainment device yung PSP, actually, pambasa ko lang siya ng e-books.
Nagbakasyon din nga pala kami ng aking mga pinsan sa liblib na isla sa Quezon. Kami lang kasama. Shet, ang sarap. Sana nga lang kasama ko yung girlfriend ko at kami'y gumawa ng mga nakakatuwang bagay. Hahahaha. Ito din ang buwan na pinangako kong hindi na ako magyoyosi gaya ng dati. Natupad naman ito.
Pero kahit ang daming nangyari nung abril, nagbigay daan siya para sa napakagandang buwan ng mayo. Sa buwan na ito, sobrang enjoy. Unang una, nagpunta kaming Pahiyas Festival. Lahat kami pumunta dito hindi bilang bisita sa isang handaan o mga nantitrip lang ngunit bilang mga photographer. Wow. The sights, the colors, the.... rain. Leche. Umulan. Sobrang badtrip pero ok lang. Kinabukasan nagpunta kami sa Atimonan, umakyat ng bundok at kumuha ng maraming maraming magagandang litrato (at hindi lang puro mukha ang makikita mo dito). On a minor note, naging 12 years old ulit ako dahil nanood ako ng evangelion 1.0.
Hunyo. Simula ng pasukan. First day ng klase, ako'y absent. Ayun, nakipag met up sa mga lomo friends niya. Halip doon, wala namang nangyaring masyado. Siguro ganun ang pagkakaalam ko kasi wala na akong maalala, nagkaron kasi kami ng sobrang kulit na thesis adviser na pinarevise ang lahat ng chapters ng thesis namin. Pucha, dahil sa puyat nasira ang short term memory faculties ko. Ugh. Dumating din ang hunyo pero wala akong masyadong naalala, dahil nga nasira ang short term memory faculties ko diba? Btw, nagkaayos nga pala kami nung kathesis mate kong isa. Tapos ayon, di na natuto si kelvin. Umibig ulit siya. Argh. haha.
Dumaan ang august. Napakabilis. Puro schoolwork/thesis tapos sa gabi suma-sideline ako sa pagaaral nung Ladder theory, teorya siya sa pangchi-chicks. May natutunan ako at without my knowing it, me napaibig ako dahil sa teoryang ito. Tapos kumapal ng todo ang mukha ko at naging napakagaling ko. Oo, sobrang galing.
Nung setyembre, nagpaalam ako sa lugar na lagi kong pinupuntahan noong last sem nung 3rd year ako at simula ng sem nung 4th year ako. Medyo malungkot, pero kailangang umusad dahil iiwan ka ng panahon. Ang tanda ko, bumawi ako sa pagaaral ko ng photography. Pumunta sa kung saan saan at nag shoot o kaya nag lolomowalk sa quiapo, ganun lang. Hinahanap ang sarili. Siguro nakita ko yung sarili ko dahil naging masaya ako. At nakakita din ako nung tao na naishare ko sa kanya yung kaligayahan ko. Kahit kaligayahang wala lang, naibabahagi ko sa kanya. At alam kong masaya siya. Astig.
Oktubre. Unang una, natapos na yung thesis, putangina mo thesis! Sige na nga, isama mo na yung adviser! Naging "explosive" din yung pasahan nung thesis, dahil sa malabong usapan. Sobrang malabong usapan. At nagkagalit ulit kami nung isa kong thesis mate. Pero second sem, promise, naging ok na kami ulit.
Dito ko din sinimulang buuin ulit yung pagkakaibigan (and eventualy, yung love) namin ni, uhm... itago natin siya sa pangalang "bear", dahil binigyan niya ako ng bear last december. Nagpunta din ako ng Cinemanila at nanood ng Evangelion 1.0: you are (not) alone. Naging bata ulit ako.
Sa buwan na ito sinimulan ko ding iapply yung sinabi ni Frank Herbert sa Dune na "Fear is the mind killer". Sa harap ng takot at panganib, ako lang ang natira. Lupit.
Nung katapusan ng buwan na ito, sinabi ko kay "bear" na mahal ko siya. Hindi siya sumagot. At hindi din naman ako nagmadaling humanap ng sagot. Dahil ako ay isang venusian artist. Nagsimula na din kaming magkakakilalanlan ng mabuti ng mga bago kong kaibigan sa UST mountaineering club dahil sa venusian arts. Harhar.
Nightwish November. Oo, na-hook ako sa nightwish. Isa silang finnish sypmphonic metal band at magaling si Holopainen, yung keyboardist/composer nila. Wow.
Ang nobyembre ay associated sa paggunita sa ating mga namatay na minamahal sa buhay. Nitong buwan na ito, ako yung namatay. Oo. Namatay ako. Sobrang sakit. Durog na durog ako. Ito'y dahil si "bear" ay may iba palang mga plano, mga plano na naging rason ng sobrang sakit sa akin. Ni hindi nga niya napaliwanag ng maayos sakin ang rason kung bakit iniwan niya ako until recently.Nagyosi ulit ako pagkatapos ng mahabang panahon. Naghanap ng bisyo, uminom araw araw, nagmarijuana, nag cutting classes, tumambay sa quadri (park to sa UST) ng tatlong oras na wala namang ginagawa, shet, ang dami kong ginawa para makalimot. Ngunit pagkatapos nito, muli akong bumangon muli sa hukay at hinarap ang pinto na nakabukas sa harapan ko. In short, nag move on na ako. Kailangang umusad paharap, kahit pakonti-konti lang. Pero ok na ko. Promise. Shet.
December. Ang pinaka enjoy na buwan sa taong ito. Naging todo close kami ng mga kaibigan ko sa UST mountaineering club. Umakyat ng Mt.Cristobal ng sobrang lamig, nag mild hypothermia nga ako dahil dun. Pero nonetheless, masaya pa din, kasi masaya pa din kami for the simple fact na magkakasama kami. Simple lang ang buwan na ito, at dahil sa kasimplehang iyon ay naging pinakamasayang buwan ko ito. Salamat rachel, tin, jay, em, rex saka yung iba pa ko pang nakasama sa mga climb at inuman. Sobrang memorable. Salamat.
Nung pumalo yung December 10, nagsimula yung drinking spree ko. Araw araw, as in araw araw akong umiinom. Linggo lang ang pahinga. Iba iba ang kasama, mga dating ka-relasyon, mga makakarelasyon pa lang (haha, you know who you are) at mga kaibigan mula sa iba't ibang sulok ng maynila. Siguro di ko pa din makalimutan si "bear" pero ok na ako noon.
Nung paskuhan, nag photoshoot ako ng mag isa, at hindi natupad ang pangako ko na me kaakbay ako sa fireworks display sa paskuhan (since 1st year yung pangakong iyon, hindi natuloy. akalain mo). Natuloy sa inuman yun. Kinabukasan, nakapagusap na din kami ni "bear" ng maayos. Yun nga lang, inuman yun, kaya wala akong maalala. Shet, badtrip talaga. Me umiyak pa sa akin, yung kapareho kong iniwan ng minamahal. AHAHAHAHAHAHA HINDI NAKAKATAWA! Pero, at least, nalinawan na yung isyu namin ni Jamie. Pero kulang pa din eh. Kaya nagkaron kami ng follow-up talk sa ym. Ang korni. Ganun ka-importante pero sa YM lang. Pero medyo naluha din ako dun. Pagkatapos nangako ako na babalik ako dun sa panahon na hindi ko pa siya nililigawan. Lalambingin ko siya ng todo todo at kung magalit siya ay hindi ako hihingi ng tawad. Wala nang ilangan. Kalimutan na ang nakaraan. Harapin ang liwanag (the dawn rakenrol!).
Overall, masaya ang taong ito. Sobrang saya. Di ko makakalimutan ito. Ito na din kasi ang huli kong kumpletong taon sa mahal kong Pilipinas.
Pero may tatlong buwan pa, at wala akong balak na palampasin ang tatlong buwan na iyon ng walang bagong alaala. Sa lahat ng mga taong nagpasaya sa akin, salamat sa inyo. Sa mga taong hindi naman nagpasaya sa akin, salamat din. Binigyan niyo ako ng napakaraming topics para sa aking pagsusulat. Haha.
Eto sabi ko nung Dec.31 last year "This year is just an overture. You better wait for a better year ender entry next year". Natupad siya. Astig. Kaya ngayon sasabihin ko ito: This year is yet another overture for a much better year ender entry next year!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
The end of our exploring,
Will be to arrive where we started
And know the place for the first time.
-T.S. Elliot
Goodbye and forever hello 2008!
On a sidenote, goodluck sa atin. Tatama ang financial crisis sa first quarter ng 2009 sa Pilipinas.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home