Monday, November 03, 2008

Deadline at ang Financial Crisis

Naibala ako sa essay para sa klase. Napuyat ako, sobrang short notice tapos busy pa ako. Me social life din naman ako ha! I-post ko daw ito at para daw mabasa ng iba, hindi lang ang mga tao na dumadaan sa elevator ng St. Raymund Building sa November 8. Kahit nga ata sa harap ng elevator sa Nov. 8 walang magbabasa nito. Pero ewan ko lang. Ay, sabi ni Ana wag daw muna, dahil baka mabasa ng ibang section. Ang essay kasi parang baby yan, pinagtatanggol kapag tama at tinuturuan ng tama. And who wants a cloned baby? I-post nalang natin after ng deadline, para masaya.

Ok din namang magsulat ng tungkol sa financial crisis. Ako kasi, kating-kati na akong mag research tungkol sa financial crisis. Buti nalang, naatasan akong magsulat nitong essay na ito. Nalaman ko tuloy na ang ugat ng lahat ay ang naging dependence ng mga businessmen sa "paper commodities" tulad ng stocks, securities at bonds. Para sa hindi nakakaalam nito, ito ay ang mga liquidated assets. In short, pera. Kapag kasi puro paper commodities ang hawak mo, sobrang mabilis magbago ang value nito. Minsan mataas, minsan mababa, depende na sa supply at demand mo.

Ito din ang rason kung bakit naiipon ang kayamanan sa kamay ng iilan. Ito'y dahil kapag madami kang pera, madami kang pambili ng paper commodities. Medyo may kamahalan kasi ang mga ito at sabi ni Sir Sigua, ang 4th year HS teacher ko sa economics, dapat ay mga sobrang pera mo lang ang iniinvest sa stock market dahil risky nga ito.

Eh nagkataong madaming sobrang pera at mahilig sa risk ang mga lokong kapitalistang ito. Kaya madami silang stocks na kumikita ng pera. Tapos siyempre san mo ilalagay yung pera, edi sa bangko. Tapos yung mga bangko, para kumita pa ng maraming maraming pera, inenganyo nila ang mga mahihirap o yung mga, shit, ang cool talaga ng acronym na ito: NINJA (No Incone, No Job, No Assets) na mangutang at kumuha ng mga housing loan. Nalugi ngayon ang mga bangko dahil di nakabayad ang mga NINJAng ito. Hindi nga pala nakabayad yung mga NINJA dahil naipon sa kamay ng iilan ang kayamanan. At dahil nalugi yung mga bangko, nawala ang mga pera ng mga kapitalista. Haha. Sila nagsulat ng sarili nilang kapalaran.

Tinatamad akong mag elaborate, siguro minsan iipunin ko yung mga notes ko galing sa pag gawa ng essay at ilalahad dito. Ayoko din namang kasing mag mukhang komunista, baka bigla nalang akong kumuha ng bandila ng Pinas at iwagayway to sa kalye. Ayoko nun. Olats.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home