Friday, May 12, 2006

Trivial Pursuits

Wala akong magawa, kaya ayaw ko ng bakasyon eh... pakamatay kaya ako? Buti pa kapag me pasok eh naandar ang utak ko, nadaloy ang dugo sa utak ko. Ngayon tuloy eh nalulong ako sa strength training (sarili kong program). Ang ginagawa dito eh ang tuloy tuloy na set ng mga push-up, sit-ups saka pagtatrabaho sa bahay hanggang mapagod at di na makahinga. Masarap ang pakiramdam kapag pagod na pagod ka na, tapos iinom ka ng kape... Tuwing mangyayari ito eh nararamdaman ko ang laki na pala ng pinagbago ko simula noong 2nd yr HS ko. Di lang sa pangangatwan ngunit sa pagiisip na rin. Isa na rin sa pinagkakaabalahan ko ngayon ay nakikinig ako sa mga classical at neo-classical na mga piyesa at minememorize ko. Pagkatapos ay ipeplay ko sa isip ko ng paulit ulit habang naglilinis ako ng bahay, naghuhugas ng pinggan at maya maya na ay memorize ko na! Parang isang mahabang Last Song Syndrome na nakakabaliw, hindi ko maalis sa isip ko hanggang di ko natatapos yung kanta sa isip ko. Naging task ko rin na basahin ulit lahat ng koleksyon ko ng libro. Mga 70 na libro to at sa current rate ko na 2 days per book ay mukhang di na aabot sa pasukan ang koleksyon ko... Kaya kelangan ko pang bumili ng mga libro!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home